PAMPANGA – Isang kalansay ng tao ang natagpuan sa kahabaan ng North Luzon Expressway (NLEX) sa bahagi ng Mabalacat City, Pampanga, ayon sa mga awtoridad.
Batay sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon, ang mga labi ay nakasuot ng brown na T-shirt, blue jacket, asul na pantalon, at kulay brown na boxer shorts.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng kalansay at ang sanhi ng pagkamatay nito.
Nanawagan din ang mga awtoridad sa publiko, lalo na sa mga pamilyang may nawawalang kaanak, na makipag-ugnayan sa kanila para sa posibleng pagkakakilanlan ng mga labi. Mary Anne Sapico