MANILA, Philippines – Nanawagan si House Speaker Martin Romualdez ng kahinahunan at muling pagbuhay ng diplomasya sa gitna ng tumitinding tensyon sa pagitan ng Israel at Iran.
“We are watching these developments with grave concern. Under President Ferdinand R. Marcos Jr., our foremost priority is the protection of our overseas Filipino workers who may be caught in the crossfire of this dangerous standoff,” ayon kay Romualdez.
Inatasan ni Romualdez ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW) na paigtingin ang koordinasyon sa mga pamahalaan ng host countries at international partners, lalo na sa Lebanon, Israel, Jordan, at mga bansa sa Gulf Region na may malaking bilang ng mga Pilipino.
“We expect our frontline agencies to remain vigilant and proactive in ensuring the safety and security of our kababayans, including possible repatriation plans should the situation worsen,” ani Romualdez.
Ani Romualdez, ang Pilipinas, bilang isang mapayapang bansa, ay patuloy na naninindigan sa paggamit ng diplomasya upang maresolba ang mga kaguluhan at iwasan ang karahasan.
“We call on all parties involved to take a step back and allow diplomacy to do its work.This is a time for dialogue, not destruction. Any further escalation will only deepen human suffering and destabilize an already fragile region,” giit nito.
“No Filipino should be left behind in a time of crisis. The House stands in full solidarity with our OFWs and will work closely with our executive agencies to ensure their welfare,” ayon pa kay Romualdez.
Nakikiisa din ang Kamara sa pandaigdigang panawagan para sa pagtitimpi at umapela sa regional at international leaders na tumulong para mapahupa ang tensyon bago ito lumala.
Habang bukas pa ang negosasyon, hinikayat ni Romualdez ang mga Pilipino sa ibang bansa na manatiling kalmado, makinig sa mga opisyal na anunsyo, at makipag-ugnayan sa mga embahada at konsulado ng Pilipinas. Gail Mendoza