Iriga, CamSur – Unanimous ang naging desisyon ng konseho ng Iriga City sa pamumuno ni Mayor Rex Oliva na marapat lang bigyan ng parangal doon si Nora Aunor.
Ang namayapang singer-actress ang kinikilalang nag-iisang Superstar ng bansa.
Isang National Artist o Pambansang Alagad ng Sining din si Nora for Film and Broadcast Arts.
Bukod dito’y pararangalan din ang kilala ring Ate Guy in showbiz circles sa kanyang pinagmulan–sa Iriga City.
Aprubado na nga ng council na ipangalan kay Nora Aunor ang isang kalsada doon.
Apart from this, nakatakda ring magpatayo ng istatwa o rebulto na ipupuwesto sa Philippine National Railways o PNR station sa lriga.
Hindi lingid sa kaalaman ng publiko ang napakapayak na simulain ni Nora bilang tindera ng tubig sa riles ng tren.
Magkakaroon din ng Nora Aunor Museum kung saan doon ilalagak ang mga memorabilia ng Superstar spanning her seven decades in showbiz.
Nauna na naming naiulat kung sino kaya sa mga anak ni Nora — both biological and adopted — ang interesadong magtimon ng itatayong museo in honor of their mom. Ronnie Carrasco III