MANILA, Philippines- May pang-knockout na banat si senatorial candidate Manny Pacquiao sa mga bumabatikos sa kanya.
Sa halip na mainis, ginamit niya ang salitang B.O.B.O. bilang acronym para sa “Boksingerong Obsessed na Bigyang Oportunidad ang mga Mahihirap.”
Sa inilabas niyang viral video, iginiit ni Pacquiao na hindi siya perpekto, pero araw-araw siyang nagsisikap matuto at maglingkod. Aniya, ang mahalaga ay ang puso sa pagtulong, hindi ang pinagmulan o taas ng pinag-aralan.
Bilang dating batang lansangan na umasenso, nais niyang maging inspirasyon ng mga kababayan na nangangarap makaahon sa hirap.
Patuloy rin siyang tumutok sa mga proyektong pangmasa tulad ng pabahay, edukasyon, at pangkalusugan.
Para kay Pacquiao, ang tunay na lider ay ‘yung tapat, may malasakit, at handang magsikap para sa kapwa. RNT