Home NATIONWIDE Kamara handang tumugon sa mga prayoridad ni PBBM

Kamara handang tumugon sa mga prayoridad ni PBBM

Manila, Philippines – Nagpahayag ng kahandaan ang Kamara na tugunan at suportahan ang mga prayoridad na ilalahad ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ngayong Lunes, Hulyo 22.

“The President’s SONA will provide a clear roadmap, and the House is prepared to translate this vision into tangible legislative outcomes,” ani House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa isang pahayag.

Idinagdag pa ng speaker na, “we are prepared to hit the ground running and deliver on our promises to the public. The SONA will set the tone for our legislative agenda, and we are more than ready to take the necessary actions to achieve our shared vision for a better Philippines.”

Kasabay nito ay nanawagan din ang liderato ng Kamara sa lahat ng mga miyembro ng Kongreso na magkaisa sa pagsuporta sa mga hangarin ng Pangulo at iginiit nag kahalagahan ng sama-samang pagkilos.

“As representatives of the people, it is our duty to work together, transcending political differences, to enact laws that will uplift the lives of our fellow Filipinos. The upcoming SONA will inspire and guide us in this noble endeavor.”

Ngayong umga ay magbubukas ang ikatlo at huling regular session ng 19th Congress at susundan ng SONA ng Pangulo sa hapon.

Nauna ng siniguro ni Romualdez na bibigyang-prayoridad ng Kamara ang pagpasa ng pambansang budget para sa 2025 at ang mga natitirang prayoridad na panukalang batas na tinukoy ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).

Sa ngayon aniya ay hinihintay na ng Kamara ang iminungkahing P6.352-trilyong National Expenditure Program (NEP) na magiging batayan ng General Appropriations Bill (GAB) para sa 2025 na target itong matapos ng Kamara sa Setyembre.

Ang panukalang 2025 na pambansang badyet ay 10 porsyentong mas mataas kumpara sa P5.768 trilyon budget ngayong taon na katumbas ng 22 porsyento ng gross domestic product (GDP) ng bansa.

Ang 2025 NEP ay nakatakdang ipasa ng Department of Budget and Management (DBM) sa Mababang Kapulungan sa Hulyo 29, pagkatapos ng gagawing pagsusuri ng buong Gabinete.

Batay sa 1987 Constitution, ang NEP ay dapat isumite sa Kamara de Representantes sa loob ng 30 araw matapos ang SONA. Sa oras na maaprubahan, ito ay nagiging GAB, at magiging General Appropriations Act (GAA) kapag nilagdaan na ng Pangulo bilang batas.

Muli ring binigyang-diin ni Speaker Romualdez ang pagtiyak ng Kamara na ipasa ang lahat ng natitirang mga pangunahing panukalang batas ng LEDAC kung saan sa pagsisimula ng 19th Congress noong Hulyo 2022 ay umaabot na sa mahigit 12,000 panukalang batas ang naisumite at 77 panukala naman ang pinagtibay bilang batas.

Magugunitang noong Sabado ay nilagdaan ni Pangulong Marcos ang New Government Procurement Reform Act or Republic Act (RA) No. 12009 at ang Anti-Financial Accounts Scamming Act (AFASA) or RA No. 12010.

Ang New Government Procurement Act ay isang mahalagang hakbang tungo sa isinusulong na transparency, kahusayan, at magandang pamamahala sa public procurement sa ilalim ng administrasyon ni Marcos.

Habang ang AFASA ay isang mahalagang batas na mangangalaga sa integridad ng mga financial system ng bansa at mangangalaga sa publiko laban sa mga panloloko at pandaraya. (Meliza Maluntag)