MANILA, Philippines – Nakiramay ang mga lider ng Kamara sa pagpanaw ni dating Lanao del Sur governor Soraya Alonto Adiong, nitong Biyernes, Disyembre 27.
Si Adiong ay pumanaw sa edad na 80.
Sa panahon ng Marawi Siege noong 2017, nakipagtulungan si Adiong sa mga militar at national agencies para siguruhin ang kaligtasan ng mga residente at masiguro ang resilience sa isa sa pinakamadilim na yugto ng lungsod.
“Governor Soraya was a devoted matriarch and an extraordinary leader whose unwavering commitment and courage profoundly impacted her constituents,” saad sa pahayag ni House Speaker Martin Romualdez.
“Her hands-on leadership bridged the gap between the provincial government and its people. She listened to every community’s concerns, ensuring no voice was unheard and no need unmet. Her compassion and service define her enduring legacy.”
“Governor Adiong was a true mother to Lanao del Sur, demonstrating compassion and strength that saved countless lives and laid the foundation for recovery,” sinabi naman ng mga lider ng Kamara sa kanilang joint statement.
Si Adiong ay nagsilbi bilang gobernador mula 2016 hanggang 2019. RNT/JGC