Home HOME BANNER STORY Kamara nangako, tutugon sa ruling ng SC sa MR sa impeachment ni...

Kamara nangako, tutugon sa ruling ng SC sa MR sa impeachment ni VP Sara

286
0

MANILA, Philippines – Tutugon ang Kamara sa desisyon ng Korte Suprema kung tatanggihan ng Mataas na Hukuman ang kanilang motion for reconsideration sa desisyon nitong ideklara ang Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte bilang unconstitutional.

“Hindi ‘ho namin susuwayin ‘yan, susundin namin ‘yan. The House will not cause the constitutional crisis. The reason, the catalyst for the constitutional crisis will never be caused by the House,” sinabi ni House prosecution spokesperson Atty. Antonio Bucoy sa news forum nitong Sabado, Agosto 9.

Ganito rin ang sinabi ni House Deputy Speaker Janette Garin, kung saan ang Mababang Kapulungan umano ay susunod sa ruling ng SC kung maninindigan ito sa desisyon na ang impeachment ni Duterte ay idedeklarang unconstitutional.

“Definitely, kasi obligasyon namin sa taumbayan tutukan ang mga problema without bypassing accountability and working for whatever is in the interest of the general public,” ani Garin.

“A constitutional crisis should not have a place in a… I think the Philippines is in the top 2 happiest people in the world, so talagang hindi siya dapat na mangyari,” dagdag pa.

Matatandaan na sa botong 13-0 ay nagdesisyon ang SC na ang Articles of Impeachment ay ipinagbabawl sa one-year rule sa ilalim ng Article XI Section 3 paragraph 5 ng Konstitusyon.

Sinabi rin na ang mga article ay lumabag sa right to due process.

Samantala, sa apela naman ng Kamara sa SC, iginiit nito na ang ikaapat na impeachment complaint, na pirmado ng 215 House members, ay ang tanging initiated impeachment case laban sa Bise Presidente dahil naabot nito ang pamantayan ng Konstitusyon sa reklamo na inendorso ng nasa one-third ng mga miyembro ng Kamara, na nagbigay-daan sa Kamara para ipasa ang Articles of Impeachment diretso sa Senado.

“‘Yung motion for reconsideration ay hindi ho para pagpuna, hindi po ito para itakwil. Ito ay para tawagin ang kanyang pansin upang magsumamo na bisitahin niyong muli ang inyong desisyon na sa palagay namin at inilahad namin sa aming motion for reconsideration ay mali mula letrang A hanggang letrang Z,” ani Bucoy. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here