Home OPINION KAMARA, SENADO PAREHOND MAYSALA SA FLOOD CONTROL SCAM

KAMARA, SENADO PAREHOND MAYSALA SA FLOOD CONTROL SCAM

166
0

KATAKOT-TAKOT na problema ang dinaranas ng mga kritiko ngayon ni Pangulong Bongbong Marcos.

Lalo ngayon sa Konstitusyonal na antas dahil hindi na mai-impeach si Marcos sa loob ng isang taon.

Idineklara ng Committee on Justice at plenaryo ng Kamara na walang sustansya ang impeachment complaint laban sa Pangulo.

Nadamay na rin ang ikatlong impeachment complaint na hindi itinuloy, lalo na ang hindi pagtanggap ng Office of the Secretary General dito, sa ilang kadahilanan.

KAMARA, MAY SALA

Masasabing galing mismo sa Kamara ang kapalpakan dito.

Nagkaroon ng tsansa ang mga kongresman na uriratin ang mga kikbakan sa maaanomalyang flood control program.

Ngunit ganap na isinara ng Kamara ang pintuan nito sa imbestigasyon sa rason na sila mismo ang pinatutungkulan nang magreklamo si Marcos sa kanyang State of the Nation Address nitong nakaraang taon sa mga nasabing anomalya.

“Mahiya naman kayo,” bulalas ni Marcos.

At dahil sa kahihiyan, isinara na nga nila ang Kamara sa anomang imbestigasyon.

Kung nag-imbestiga lang sana silang mga kongresman, sana inabutan na ang imbestigasyon ang Cabral Files at iba pang mga nalalaman ni Batangas Congressman Leandro Legarda Leviste.

Dito may pambala sana sila ng kanyon laban kay Marcos gaya ng sinasabi nila ngayon ukol sa P8 bilyong kikbak nito na nasagap nila mula sa mga ka-close ng Pangulo.

SENADO RIN MAY SALA

May sala rin ang Senado sa kahinaan sa laban kay Marcos.

Sa Senate blue ribbon committee na kumasa sa imbestigasyon, naroon na ang mga big fish na pupwedeng piliting dumalo at maglahad ng katotohanan sa bintang na may kikbak ang Pangulo.

Hindi katulad ng mga kongresman na nakatali sa interparliamentary courtesy, pupwedeng pagtatawagin sana sina dating Executive Secretary Lucas Bersamin, dating Presidential Legislative Liason Office chief Adrian Bersamin at dating Department of Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman para magpaliwanag,

Ngunit dinedma lang sila ng komite.

Natawag naman si dating Education Undersecretary Trygve Olaiver ngunit hindi naman pinalalim ito sa harap ni dating Public Works and Highways Undersecretary Robert Bernardo na nagsabing kasama ni Olaivar si Adrian Bersamin na may hawak sa bilyon-bilyong kikbak na sakay sa armored trucks para ideliber sa mga nasa itaas.

Sabi ng ating Uzi, naging hilaw na hilaw tuloy ang imbestigasyon dahil may inilihis na mga big fish at hindi sapsap sa iskam.

ANO NA NGAYON?

Walang magagawa ang mga kritiko kundi magngangawa sa loob ng isang taon.

Mayroon namang remedyo pa rin umano sila gaya ng posibleng pagpapatanggal sa Pangulo sa ibang mga paraan.

People Power ba na ikinakasa ng ilan ngayong buwan, lalo na sa mga araw ng paggunita ng People Power 1 sa EDSA noong Pebrero 1986?

Ngunit magtatagumpay kaya sila sa gitna ng katotohanang walang gaanong tagumpay ang nagpasimula nito laban sa korapsyon?

Kahit pa sila ang humawak sa bagong gobyerno noon?

Problema nila ngayon kung paano akayin ang mga mamamayan na naumay na sa mga pangako ng pagbabago sa bisa ng People Power.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here