Home METRO Kamay ng antigong rebulto sa Dumaguete Cathedral, tinangay ng bebot

Kamay ng antigong rebulto sa Dumaguete Cathedral, tinangay ng bebot

1
0

DUMAGUETE CITY, Negros Oriental — Pinaghahanap ng mga awtoridad ang isang babae matapos umano nitong tangayin ang kamay ng isang antigong rebulto sa loob ng Dumaguete Cathedral sa kasagsagan ng misa.

Makikita sa CCTV footage noong Hunyo 2 na lumapit ang suspek sa rebulto ni St. Catherine of Alexandria, ang patron saint ng simbahan, habang may isinasagawang misa.

Makikita ring hinawakan ng babae ang rebulto at palinga-linga muna bago alisin ang kaliwang kamay nito at ipasok sa kanyang bag.

Kamakailan lamang napansin ng mga opisyal ng simbahan na nawawala ang kaliwang kamay ng rebulto.

Ayon kay Dumaguete Cathedral parish priest Msgr. Robert Bongoyan, pinag-aaralan nilang magsampa ng reklamo dahil posibleng maulit ang insidente sa iba pang simbahan.

“Perhaps we should file a complaint because if it’s truly her habit, our churches will be at risk,” ani Bongoyan.

Hindi pa matukoy ng simbahan ang motibo ng babae sa pagkuha ng bahagi ng rebulto. Ayon sa mga opisyal, bagama’t antigong imahe ito, hindi naman gawa sa garing o ivory.

“If possible, she should just return it because it won’t give her peace,” dagdag ni Bongoyan. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here