Home METRO ‘Kamote’ rider nag-counterflow sa EDSA sa paglabag sa busway

‘Kamote’ rider nag-counterflow sa EDSA sa paglabag sa busway

MANILA, Philippines – Isang ‘kamote’ na motorcycle rider ang nahaharap sa patung-patong na ibang matapos mag-counterflow sa EDSA busway para lang makatakas sa mga enforcer ng Department of Transportation-Special Action and Intelligence Committee for Transportation (DOTr-SAICT) dahil sa hindi awtorisadong paggamit ng busway nitong Pebrero 13.

Nakita ang rider sa Santolan Flyover bandang 5 p.m. at bigla itong lumihis laban sa daloy ng trapiko, na nagdulot ng panganib sa mga bus at iba pang sasakyan bago siya nahuli ng mga awtoridad matapos habulin nang naglalakad.

Inamin ng rider na tinangka niyang tumakas dahil masyadong mataas ang P5,000 na multa, at sinabi rin niyang nahuli na siya noong Disyembre ng nakaraang taon sa parehong paglabag at nagbayad ng multa.

Kinasuhan siya ng hindi awtorisadong paggamit ng busway at reckless driving.

Wala pang pahayag ang Land Transportation Office kung sususpendihin o babawiin ang kanyang lisensya.

Nauna nang naganap ang katulad na insidente noong Pebrero 7, kung saan isang motorcycle rider ang nakasagasa sa isang enforcer ng DOTr-SAICT habang tumatakas sa mga awtoridad sa Pasig.

Kinasuhan siya ng paglabag sa awtoridad, direktang pag-atake, pagpapabaya sa biktima, reckless driving, at bahagyang pisikal na pinsala. Santi Celario