MANILA, Philippiens – Matapos ang tatlong taong paghihintay, natuloy rin ang kasal ng pinakamatandang ikinasal sa Kasalang Bayan sa Lungsod ng Dasmariñas.
Pinatunayan ng magkasintahang si Orolustre Gamba Guray, 78 taong gulang, at Anna Rose Nazario Catle, 35 taong gulang, na “age doesn’t matter” pagdating sa pag-ibig.
Sila ay kabilang sa 643 magkasintahan na ikinasal sa isinagawang Mass Wedding sa Araw ng mga Puso sa Dasmariñas City, Cavite.
Ang mag-asawa ay parehong residente ng Brgy. Bautista, Brgy. Sampaloc sa nasabing lungsod. Ang taunang Kasalang Bayan ay pinangunahan ng lokal na pamahalaan. Marjie Bautista