Home NATIONWIDE Kampanya kontra e-sabong, pinaigting ng PNP

Kampanya kontra e-sabong, pinaigting ng PNP

191
0

MANILA, Philippines – Pinaigting ng Philippine National Police (PNP) ang operasyon laban sa online cockfighting o e-sabong, kasunod ng ulat ng muling pag-usbong ng ilegal na sugal, ayon kay PNP chief Gen. Jose Melencio C. Nartatez, Jr. noong Huwebes, Enero 12.

Ani Nartatez, patuloy ang Anti-Cybercrime Group (ACG) sa pagtanggal ng online platforms na nagho-host ng e-sabong, ngunit may hamon dahil sa mabilis na pagbabago at pagiging kumplikado ng cybercrimes.

“We in the Philippine National Police remain focused in the campaign to stop all forms of illegal gambling… But we continue to take all these difficulties as a challenge to further improve and come up with new measures to address the problem,” dagdag niya.

Nakipagtulungan na ang ACG at Intelligence Group (IG) upang subaybayan at ipasara ang ilegal na e-sabong operations. Target nilang tukuyin ang livestreams, operators na gumagamit ng VPN at offshore hosting, at kolektahin ang intelligence para sa coordinated cyber at ground raids.

“It may look like a simple livestream to the public but behind those links is a sophisticated network of VPNs and offshore hosting,” paliwanag ni Nartatez.

Bukod sa pag-shut down ng sites, nakatutok din ang PNP sa pagtukoy sa financiers at operators ng ilegal na online gambling. Hinimok din niya ang publiko na makipagtulungan sa pagbibigay ng impormasyon at nagbabala laban sa paglahok ng sinuman sa ganitong ilegal na aktibidad. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here