Home METRO Kampanya kontra galis inilunsad sa MCJ

Kampanya kontra galis inilunsad sa MCJ

MANILA, Philippines – Inilunsad sa male dormitory ng Manila City Jail ang kampanyang kontra galis o mass scabies treatment program para tugunan ang problema sa sakit sa balat ng mga person deprived of liberty.

Katuwang ng MCJ Male Dorm ang International Committee of the Red Cross para mapahusay ang kalagayan ng mga PDL at mga pasilidad ng piitan

Ang programa ay tatagal Hanggang Disyembre 10 kasama ang post-treatment, follow-up checkup para matiyak na kumpleto at matagumpay na maaalis ang problema sa galis sa mga nakakulong sa MCJ.

Kabilang sa mga aktibidad ay ang paglilinis o disinfection sa mga selda, higaan at mga gamit ng mga PDL.

Kadalasan na nangyayari ang pagsulpot ng mga sakit sa mga bilangguan lalo na kapag siksikan ang mga inmates. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)