Home LIFESTYLE HEALTH Kampanya upang matugunan mababang rate ng pagbabakuna, paiigtingin ng DOH

Kampanya upang matugunan mababang rate ng pagbabakuna, paiigtingin ng DOH

1
0

MANILA, Philippines – Inilatag ng Department of Health (DOH) nitong Lunes ang mga plano nitong paigtingin ang kampanya at mga hakbang upang matugunan ang mababang rate ng pagbabakuna at pag-aalinlangan sa pagbabakuna.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng House committee on appropriations sa panukalang budget ng DOH para sa susunod na taon, hiniling ni Rep. Girlie Veloso sa ahensya ang konkretong aksyon nito habang ipinahayag niya ang kanyang pagkabahala sa mababang saklaw ng pagbabakuna sa mga batang may edad 12 hanggang 23 buwan.

Sinabi ni Veloso sa pagbanggit sa 2025 National Demographic and Health Survey,  na 4 sa 10 bata sa pangkat ng edad na ito ay hindi ganap na nabakunahan.

Kinilala ni DOH Undersecretary Gloria Balboa na kailangan ng ahensya na “sustain and increase public trust” dahil ibinahagi niya na isa sa mga dahilan sa likod ng mababang rate ng pagbabakuna, bukod sa pagkaantala sa pagbili ng bakuna, ay ang “persistent vaccine hesitancy that is brought about by, let’s say, misinformation.”

Binigyang-diin ni Balboa ang kahalagahan ng pakikipag-ugnayan sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan at iba pang awtoridad upang tumulong na matugunan ang pag-aalinlangan sa bakuna sa mga komunidad sa pamamagitan ng pagpapalakas ng mga kampanya ng impormasyon.

Dagdag pa , kailangan aniyang  palakasin ng DOH ang supply ng bakuna nito at cold chain management system, gayundin ang surveillance ng sakit at outbreak response.

Sinabi naman ni Health Secretary Edwin Mercado na nakatakda na ang maagang pagbili ng mga bakuna para sa mga programa ng pagbabakuna ng ahensya.

Nabanggit niya na ang ilang mga bakuna ay inihahatid depende sa kanilang seasonality, tulad ng mga bakuna sa trangkaso at pneumonia, at ang kalendaryo ng mga paaralan, tulad ng mga bakuna ng human papillomavirus at cervical cancer para sa mga batang babae sa paaralan.

Panghuli, sinabi ni Balboa na kailangang gawing digitalize ang immunization information system. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here