Malaki ang nakataya para sa 2024-25 PVL All-Filipino Conference.
Bilang bahagi ng limang inanunsiyo ni AVC at PNVF president Ramon ‘Tats’ Suzara, kakatawanin ng kampeon ng season-opening conference ang Pilipinas sa bagong 2025 AVC Champions League for Women sa Korea sa susunod na Mayo.
Papayagan ang champion team na kumuha ng dalawang foreign guest imports para sa regional tournament na nagtatampok ng 12 sa Asia’s top club teams.
Nakataya ang $50,000 na premyong cash para sa manalong koponan.
Binanggit din ni Suzara na sasagutin ng PVL ang lahat ng gastos para sa kampeon ng liga sa kanilang paglalakbay sa Korea.
Magkakaroon din ng men’s edition ng nasabing kompetisyon na gaganapin sa Japan sa susunod na taon.