Home ENTERTAINMENT Kampo ni Bea, nagsalita na sa ‘buntis’ isyu!

Kampo ni Bea, nagsalita na sa ‘buntis’ isyu!

286
0

Manila, Philippines- Umalma ang kampo ni Bea Alonzo sa kumakalat na balitang buntis ang aktres.

At ang businessman boyfriend ni Bea na si Vincent Co ang itinuturong ama ng kanyang ipinagbubuntis.

Ang basehan ng netizens ay ang kumalat na pictures and video sa isang birthday celebration para kay Bea kasama si Vincent kung saan makikita ang pagtaba ng katawan at pag-umbok ng tiyan ng Kapuso actress.

Paglilinaw ng manager ni Bea na si Shirley Kuan, “Juskopo! Fake news na naman?!”

Pero aminado si Shirley, or si SK sa kanyang showbiz friends, na tumaba si Bea ngayon. Kahit na raw panay na ang workout ni Bea. Katunayan, may coach pa raw si Bea sa bahay kapag nagwo-workout.

Ganyan lang siguro talaga kapag in-love at kuntento na sa buhay ang babaeng gaya ni Bea.

Happy ang lovelife, financially stable, maayos ang career at supportive na pamilya.

Nandito lang daw sa Pilipinas ngayon si Bea. And if true na buntis si Bea, mas marami ang natuwang fans niya.

Feeling ng fans, ikinasal na si Bea kay Vincent.

And as for Bea’s manager, “Alam mo naman ako. Wa ako pakialam sa personal life ng mga alaga ko. Unless minor ka pa! Hehehe.” Julie Bonifacio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here