Home HOME BANNER STORY Kampo ni Co nagtangkang mag-blackmail: I don’t negotiate with criminals – PBBM

Kampo ni Co nagtangkang mag-blackmail: I don’t negotiate with criminals – PBBM

190
0

MANILA, Philippines – IKINANTA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagtangkang mag-blackmail ang kampo ni dating Ako Bicol representative Zaldy Co sa kanila.

Sa panibagong video message ng Pangulo, sinabi nito na nilapitan sila ng abogado ni Zaldy Co at ang ginamit na pambablackmail nito ay “kung hindi kakanselahin ng gobyerno ang pasaporte ni Zaldy Co ay hindi na maglalabas ng video ang dating mambabatas.”

“I do not negotiate with criminals. Kahit maglabas ka na ng video ng lahat ng kasinungalingan mo na pag-destabilize sa gobyerno. Gusto kong malaman mo Zaldy, makakansela pa rin ang passport mo. Hindi ka na makakatakas sa hustisya,” ang diing pahayag ni Pangulong Marcos.

Sa kabilang dako, iniulat din ng Pangulo na ngayong araw ay nakakuha na ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) ng dalawang freeze order.

“This brings the total amount of assets frozen to about P12 billion pesos. Kasama po dito ang mga air asset ni Zaldy Co ang value mga P4 billion. At bukod pa roon mayroon po tayong nakuhang 3,566 na bank account, 198 insurance policies, 247 motor vehicles, 178 real properties, 16 na e-wallet account at saka air asset na na-frozen na,” ayon sa Pangulo.

“Umpisa lang po ito. Mas marami pong asset ay mafo-frozen para maibalik ang pera ng tao sa kanila. Ito po ay ang aming pangako that the money of the people will be given back to the people,” pagtiyak ni Pangulong Marcos.

Samantala, irerekumenda naman ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) at Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Ombudsman, bitbit ang kanilang mga nakalap na ebidensiya ng kasong plunder, anti-graft, bribery, conflict of interest laban sa walong congressman na may-ari ng mga construction company na may proyekto sa DPWH.

Hindi naman pinangalanan ng Pangulo kung sinu-sino ang walong kongresista na sinasabi niyang may-ari ng construction company na may proyekto sa DPWH.

Ang mga pasabog na ito ng Pangulo ay bahagi ng patuloy niyang pagre-report sa publiko tungkol sa mga development at sa mga kaso hinggil sa mga flood control project.

Mariing itinanggi naman ni Atty. Ruy Rondain, legal counsel ni Zaldy Co, ang pasabog ni Pangulong Marcos.

“Completely untrue. I have not spoken with anyone from the government to negotiate the stoppage of the videos for the passport.”

“As I have always maintained, I have no control over the release of the videos,” ayon pa rin kay Atty. Rondain. (Kris Jose)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here