Home NATIONWIDE Kampo ni Guo humirit ng mas mahabang oras sa pagsagot sa misrepresentation...

Kampo ni Guo humirit ng mas mahabang oras sa pagsagot sa misrepresentation complaint

MANILA, Philippines – Humirit ng panibagong extension ang kampo ni dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo para makapaghain ito ng counter-affidavit sa material misrepresentation complaint na kinakaharap niya sa Commission on Elections (Comelec).

Sa ikalawang Motion for Extension of Time to File Counter-Affidavit, hiniling ng mga abogado ni Guo mula sa David Buenaventura Ang & Jamilla Law Offices ang karagdagang 15 araw para makapaghain ng komento sa Law Department ng poll body.

“Premises considered, it is respectfully prayed of this Honorable Commission that Respondent Alice Leal Guo be given an extension of time of 15 days from 01 September 2024, or until 16 September 2024, within which to file the required Counter-Affidavit,” saad sa mosyon.

Humiling ang mga abogado ng panibagong extension dahil sa “difficulty communicating” kay Guo.

“To be candid, the undersigned is having difficulty communicating with Respondent. Hence, the final draft of her Counter-Affidavit is still pending signature and verification,” dagdag nila.

Ang mosyon na may petsang Agosto 30, o dalawang araw bago ang September 1 extended deadline na ibinigay ng komisyon ay ipinadala sa pamamagitan ng private accredited courier.

Sa kabila nito, natanggap lamang ng Law Department ang dokumento nitong Huwebes.

Ang deadline para sa submission ng counter-affidavit ay awtomatikong pinalawig hanggang Miyerkules matapos na suspendihin ng Malakanyang ang pasok sa mga opisina ng pamahalaan noong Lunes at Martes dahil sa masamang panahon.

Nag-ugat ang reklamong material misrepresentation laban kay Guo matapos ang false claims nito sa kanyang certificate of candidacy para sa May 2022 polls. RNT/JGC