Home NATIONWIDE Kampo ni Heydarian nakapagkomento na sa kasong indirect contempt sa komento sa...

Kampo ni Heydarian nakapagkomento na sa kasong indirect contempt sa komento sa desisyon ng SC

327
0
(c) Remate File Photo

MANILA, Philippines – Nakapagsumite na ang kampo ni Political Analyst na si Richard Heydarian ng kanilang komento kaugnay sa kasong indirect contempt dahil sa naging pahayag sa desisyon ng Korte Suprema sa impeachment ni VP Sara Duterte.

Ayon sa kampo ni Heydarian, walang basehan at may halong pulitika ang inihaing petition laban sa kanya ng pro-Duterte lawyers na sina Atty. Mark Kristopher Tolentino at Atty. Rolex Suplico.

Sa pamamagitan ng kanyang abogado na si Atty. Dino De Leon, hiniling nila sa Korte Suprema na atasan ang mga petitioner na magpaliwanag kung bakit hindi sila dapat papanagutin sa contempt dahil umano sa kanilang panlilinlang sa Kataas-taasang Hukuman.

Kabilang ang hindi pagsasama ng buong konteksto ng mga pahayag ni Heydarian sa kanilang salaysay. Giit niya, bilang mga abogado, tungkulin ng mga ito na maging tapat sa Hudikatura.

Nanindigan din ang kampo ng political analyst na nananatili silang seryoso sa pagtatanggol sa rule of law at karapatang pantao, at lalabanan nila ang mga gumagamit ng sistema ng hustisya para sa pansariling interes o pulitika.

Si Heydarian ay sinampahan ng indirect contempt dahil sa kanyang mga batikos sa desisyon ng Korte Suprema na nagdeklara umanong labag sa Konstitusyon ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here