Home NATIONWIDE Ambuklao, Binga dam nagbukas ng gate sa Tropical Depression Huaning

Ambuklao, Binga dam nagbukas ng gate sa Tropical Depression Huaning

259
0

MANILA, Philippines – Nagbukas ng tig-isang gate ang Ambuklao at Binga Dam sa Benguet bilang paghahanda sa posibleng epekto ng Tropical Depression Huaning at Southwest Monsoon o Habagat.

Sa hydrological situationer ng PAGASA na inisyu nitong Lunes, Agosto 18, sinabi na ang Ambuklao Gate ay nagpakawala ng 129.86 cubic meters per second (cms) ng tubig.

Ang lebel ng tubig dito ay nasa 751.06 metro.

Nagbabala ang PAGASA na posibleng maapektuhan ang Barangay Ambuklao, Bokod, Benguet dahil dito.

Samantala, nagpakawala rin ang Binga gate ng 148.55 cms ng tubig habang ang lebel nito ay nasa 574.61 metro.

Maaari namang maapektuhan ang mga barangay ng Dalupirip at Tinongdan, Itogon, Benguet.

“Residents and the Local Disasters Risk Reduction and Management Councils concerned are advised to take the necessary precautionary measures,” ayon sa PAGASA. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here