Home HOME BANNER STORY Kampo ni Quiboloy sumagot na sa show cause order ng Senado

Kampo ni Quiboloy sumagot na sa show cause order ng Senado

MANILA, Philippines – Nagpasa na ng tugon ang kampo ni Pastor Apollo Quiboloy nitong Biyernes, Marso 15 sa show cause order kung bakit hindi siya dapat i-detain ng Senado dahil sa hindi nito pagdalo sa mga pagdinig kaugnay sa mga alegasyon ng sexual abuse laban sa kanya.

Sa 19-pahinang dokumento, iginiit ng abogado ni Quiboloy na si Melanio Elvis Balayan, na ang imbestigasyon “is not in aid of legislation but is tantamount to usurpation of judicial functions beyond the powers of the Senate.”

Dagdag pa niya, ang resolusyon na humihiling sa imbestigasyon ay “brazenly incriminatory” at “categorically declared the guilt of Pastor Quiboloy for crimes being attributed to him, totally disregarding the constitutional presumption of innocence until proven guilty beyond reasonable doubt.”

Sinabi ng abogado ni Quiboloy na ang pagtanggi nitong dumalo sa pagdinig ay “not a sign of disrespect to honorable Senate nor a disregard of its powers and functions but is purely based on the fact that the criminal accusations against him can only be legitimately settled before the competent courts.”

“We still believe po na yung resolution itself is incriminatory and therefore useless po para kay Pastor Quiboloy na siya ay pumunta sa Senado without sacrificing his fundamental bill of rights… Yung resolution mismo po ay sinasabi na guilty na po sa mga krimen si Pastor at ito ay patuloy niya na kino-commit,” ani Balayan.

“Pangalawa po, nabanggit din po namin doon na may limitasyon ang karapatan ng Kongreso sa pag-iimbestiga at ang limitasyon na yun ay, precisely, to regulate or to control the legislator from abusing the fundamental bill of rights of resource persons or witnesses appealing thereat,” dagdag pa niya.

Nang tanungin naman kung dadalo ba si Quiboloy sa Senado, sinabi ni Balayan na, “Hanggat nakasalang po ang aming Compliance and Show Cause Order, hihintayin po namin ang tugon ng Senado sa aming Legal Compliance at from there we will take it po kung ano ang the best legal avenue or legal actions we could take.”

“Sana po ay basahin nang mabuti ng ating mga kagalanggalang na senador yung mga legal justifications po na isinalang namin sapagkat ito po ay naaayon sa… existing jurisprudence on the powers of the Congress or the Senate in particular to conduct investigation po without violating the sacred bill of rights of resource persons or witnesses po na umaattend sa kanilang mga pagdinig,” dagdag nito.

Ang opisina ni Senador Risa Hontiveros ang nangunguna sa imbestigasyon, ay nakatanggap ng tugon ng kampo ni Quiboloy bandang 8:40 ng umaga, pasok sa 48-hour window na ibinigay sa kanya para patunayan kung bakit hindi siya dapat i-detain. RNT/JGC

Previous articleMga dayuhang ‘di pinapasok ng bansa, pwedeng manatili sa airline lounges – MIAA
Next articleBangkay ng nawawalang Japanese national, ina narekober sa Quezon