MANILA, Philippines – Iginiit ng kampo ni former Speaker at Leyte Rep. Martin Romualdez nitong Lunes na walang ebidensyang nag-uugnay sa kanya sa mga sinasabing ghost at substandard flood control projects, kasunod ng pahayag ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na naghahanda ang mga prosecutor na maghain ng plunder complaint.
Sa pahayag ni ng abogado ni Romualdez na si Atty. Ade Fajardo, sinabi nitong nananatiling kumpiyansa ang dating Speaker na anumang kasong ihahain ng Office of the Ombudsman ay ibabatay sa ebidensya at due process.
“We want to emphasize that, to date, there is no evidence linking Rep. Romualdez to any ghost and substandard projects pertaining to the flood control issue,” ayon kay Fajardo.
“We remain confident that these matters will be resolved based on evidence and due process—not politics or speculation,” dagdag niya.
Ayon pa sa abogado, ang pahayag ni Remulla ay tumutukoy lamang sa iniulat na paghahanda ng isang reklamo, at sa kasalukuyan ay wala pang naihahaing kaso, wala pang finding of probable cause, at wala pang determination of liability laban kay Romualdez.
“There is no filed case, no finding of probable cause, and no determination of liability at this time,” aniya.
Sinabi rin ni Fajardo na iginagalang ni Romualdez ang proseso ng Ombudsman at buong makikipagtulungan kung at kapag mayormal na proceeding nang sisimulan.
Nauna rito, sinabi ni Remulla na naghahanda ang Ombudsman ng plunder charges laban kina Romualdez at former Senate President Francis “Chiz” Escudero kaugnay ng imbestigasyon sa flood control projects, at target itong maihain sa loob ng Mayo. RNT