Home NATIONWIDE Kandidata sa 2nd BingoPlus Miss Universe Philippines 2025, ipinakilala

Kandidata sa 2nd BingoPlus Miss Universe Philippines 2025, ipinakilala

PORMAL na ipinakilala ang mga kadidata para sa 2nd BingoPlus Miss Universe Philippines sa dalawang araw na event na ginanap Las Casas Pilipinas de Acuzar, Quezon City.

Umabot sa 57 ang nakilahok sa naturang okasyon kung saan ipinakilala sa unang araw ang 30 kalahok na nagbigay ng kani-kanilang mga pagpapakilala sa sarili habang sa sumunod na araw naman ipinakilala ang natitira pang-27 ibang pang kalahok.

Naging tampok dito ang pag­papakilala ng bawat isa sa pamamagitan ng kani-kanilang mga linguwahe.

Sumagot din sa kani-kani­lang lenguwahe ang mga kala­hok sa mga tanong ng piling me­­dia na inayayahan sa natu­rang okasyon.

Nagbigay pugay sa pagsa­got sa taong ng media sina Miss Quezon City, Miss Manila, Miss Zamboanga at Miss Orien­tal Mindoro. Isa sila sa mga kalahok na nagbigay ng mga kagalakan para sa beautiful and confident beauty queens soon.

Kaugnay nito magaganap naman ang 6th MUPh winner na kokoronahan sa darating na Mayo 2 sa SM Mall of Asia Arena, Pasay City Ang Bingo Plus ay ang lead presenter ng MUPh competition sa ikalawang sunod na taon na may official hashtag na Miss Universe Philippines 2025 Candidates! #BingoPlus BingoPlus #BPMUPH2025 #BPWinLikeAQueen #SobrangFilipina.