Home METRO Kandidato sa pagka-konsehal patay sa pamamaril

Kandidato sa pagka-konsehal patay sa pamamaril

MANILA, Philippines – Patay sa pamamaril ang kandidato sa pagka-konsehal sa Northern Kabuntalan, Maguindanao del Norte nang itumba ito sa Midsayap, Cotabato province.

Ang biktima ay kinilalang si Jerry Beltran Dofredo, 46, dating konsehal at dating barangay kapitan ng Barangay Paulino Labio ng Northern Kabuntalan.

Minamaneho ni Dofredo ang kanyang motorsiklo pauwi sa bahay nang barilin ito sa likod ng mga lalaking sakay din ng isa pang motorsiklo sa border ng Barangays Central Katingawan at San Isidro sa Midsayap, ayon kay Police Lt. Col. Realan Mamon, hepe ng police station ng naturang bayan.

Patay on the spot si Dofredo dahil sa tama ng bala ng baril sa kanyang ulo at katawan.

Narekober ng pulisya ang anim na empty shells ng caliber .45 pistol sa lugar ng pinangyarihan ng pamamaril.

Siya ang ikapitong barangay at municipal official na napatay sa Maguindanao provinces mula noong Abril 2024.

Lahat sa mga insidente ng pamamaril ay hindi pa rin nareresolba at hindi pa rin matukoy kung may kinalaman ito sa eleksyon. RNT/JGC