Home METRO Suspek tiklo sa pagbebenta ng ‘di lisensyadong armas

Suspek tiklo sa pagbebenta ng ‘di lisensyadong armas

MANILA, Philippines – Arestado ng mga awtoridad ang isang indibidwal dahil sa pagbebenta ng hindi lisensyadong armas sa entrapment operation sa Liloan, Cebu.

Ayon sa National Bureau of Investigation nitong Huwebes, nakabili ang mga tauhan ng Cebu District Office ng KG9 submachine pistol sa halagang P23,000 mula sa suspek na kinilalang si Brylle Alforque La Villa.

Pumayag si La Villa na makipagkita sa buyer malapit sa tulay sa Barangay Catarman, kung saan siya naaresto sa reklamong paglabag sa
Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Narekober ng mga awtoridad ang marked money, maging ang submachine pistol mula kay La Villa.

Sinabi ng NBI na ipinresenta ang suspek para sa inquest proceedings ng Provincial Prosecutor ng Cebu. RNT/JGC