MANILA, Philippines – Muling nagbuga ng abo ang Bulkang Kanlaon nitong Lunes ng umaga, Abril 13, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Nagresulta ito sa graying plumes na umabot ng 400 metro ang taas mula sa crater at tinangay sa southwest na direksyon.
Naitala sa IP camera ng Kanlaon Volcano Observatory–Canlaon City (KVO-CC) ang time-lapse footage ng ash emission bandang 7:05 ng umaga.
“Alert Level 2 remains in effect over Kanlaon Volcano,” ayon sa PHIVOLCS.
Nitong Linggo, nagkaroon din ng tatlong ash emission events sa Bulkang Kanlaon na tumagal ng 47 hanggang 129 minuto.
Kabuuang 150 volcanic earthquakes din ang naitala, kabilang ang apat na volcanic tremors na tumagal ng 40 hanggang 100 minuto.
Nagbuga rin ang Bulkang Kanlaon ng 610 tonnes ng sulfur dioxide at moderate plumes na may 400 metro ang taas.
Kasalukuyang nakataas ang Alert Level 2 sa Bulkang Kanlaon. RNT/JGC