MANILA, Philippines – Naglabas ang Bulkang Kanlaon ng 4,023 tonnes ng sulfur dioxide gas nitong Linggo, Enero 20, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nitong Lunes.
Ang dami na ito ay mas mataas sa 2,302 tonnes ng sulfur diocide na inilbas nitong Sabado.
Nagkaroon din ng tatlong ash emission events ang Bulkang Kanlaon na tumagal ng mula siyam hanggang 23 minuto.
Nakapagtala ng 13 volcanic earthquakes, kabilang ang dalawang volcanic tremors.
Nairehistro rin ang 150 metrong taas ng plume at nananatiling inflated ang gilid ng bulkan.
“These events generated superheated and grayish plumes that rose 150 meters above the crater before drifting southwest as recorded by Thermal Camera in Lower Masulog (VKLM) station and IP Cameras in Mansalanao, La Castellana (VKMN) station and Kanlaon Volcano Observatory in Canlaon City,” ayon sa PHIVOLCS.
Kasalukuyang nakataas sa Alert Level 3 ang bulkan. RNT/JGC