Home METRO Kanlaon nagbuga ng abo

Kanlaon nagbuga ng abo

178
0

NEGROS, Philippines – Nagbuga ng abo ang bulkang Kanlaon sa Negros Island nitong Martes ng umaga.

Nagsimula ang weak ash emission mula sa summit crater ng 5:55 a.m., at patuloy itong naobserbahan hanggang 7:40 a.m.

Ang abo ay umabot ng 350 metro mula sa crater at humihip sa timog-kanluran, ayon sa PAGASA.

Ayon kay Phivolcs director Teresito Bacolcol, ang pangyayaring ito ay hindi dapat ikabahala at naaayon sa Alert Level 2, na nagpapahiwatig ng moderate o tumaas na unrest.

Ang Kanlaon ay madalas magbuga ng abo mula sa nakaraang eruption noong 2024.

Noong ikalawang kalahati ng 2025, nakapagtala ang Phivolcs ng mahigit 30 ash-emission events, at ang pinakamataas ay umabot sa 1,000 metro.

Ginamit ang IP camera sa Kanlaon Volcano Observatory-Canlaon City upang masubaybayan ang kaganapan.

Dagdag pa ni Bacolcol, ang emission ay hindi nangangahulugang may malakas na pagsabog na darating, at patuloy na minomonitor ng Phivolcs ang iba pang aktibidad ng bulkan upang matukoy ang posibleng pagtaas ng pressure o paggalaw ng magma. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here