Home NATIONWIDE Kanlaon nakapagtala ng 8 ash emission events

Kanlaon nakapagtala ng 8 ash emission events

MANILA, Philippines – Naitala ang walong ash emission events sa Bulkang Kanlaon sa nakalipas na 24 na oras, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nitong Lunes, Enero 27.

Ayon sa PHIVOLCS, tumagal ang ash emission ng anim hanggang 46 minuto.

Nagdulot ito ng grayish plumes na umabot sa 200 hanggang 400 metro ang taas sa summit crater.

Dahil dito ay naranasan ang light ashfall sa La Carlota City at munisipalidad ng La Castellana sa Negros Occidental.

Samantala, nagkaroon din ng 30 volcanic earthquakes ang Bulkang Kanlaon kabilang ang anim na volcanic tremors.

Naglabas ito ng 2,964 tonnes ng sulfur dioxide at voluminous 750-meter tall na plume.

Nananatiling namamaga ang edifice ng bulkan.

Nakataas ang Alert Level 3 na babala sa Bulkang Kanlaon. RNT/JGC