Home NATIONWIDE Paslit binugbog ng nanay ng kalaro

Paslit binugbog ng nanay ng kalaro

MANILA, Philippines – Agaw-buhay sa pagamutan ang isang 6 na taong gulang na batang babae matapos umanong bugbugin at iuntog ang ulo sa inidoro ng nanay ng kanyang kalaro sa Caloocan City.

Kasalukuyang nakaratay ngayon sa isang pagamutan sa Quezon City ang biktimang si alyas Neneng matapos sumailalim sa maselang operasyon.

Arestado naman ang suspek na kapitbahay ng biktima na ngayon ay detenido sa himpilan ng pulisya.

Ayon sa anak ng suspek na kalaro ng biktima sa loob ng kanilang bahay, dumating umano ang kanyang nanay at sa hindi malamang dahilan ay bigla na lamang umano nitong hinaltak ang biktima at pinag ssusuntok.

Hindi pa umano nakuntento ang suspek at kinaladkad ang bata sa loob ng cr at doon ay pinag-uuntog ang ulo ng bata sa inidoro at pader.

Nang marinig ng kapatid ng suspek
Ang ingay sa loob ng nasabing bahay ay agad itong pumasok at doon ay nakita nito ang duguan at walang malay na bata.

Kasalukuyan namang inihahanda ng mga awtoridad ang isasampang kaso laban sa suspek. Rene Manahan