Home METRO Kanlaon, naliligalig

Kanlaon, naliligalig

265
0

BACOLOD, Philippines – Nagbabala ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa publiko nitong Lunes ng gabi, Disyembre 22, tungkol sa posibleng ashfall mula sa Kanlaon Volcano.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), apat na beses nagbuga ng abo ang bulkan noong Lunes mula 9:01 a.m. hanggang 9:20 a.m., sumunod ay 10:29 a.m. hanggang 11:07 a.m.. Nagbuga din ng abo ng 4:05 p.m. hanggang 6:02 p.m., at 8:31 p.m. hanggang 9:10 p.m.

Pinaka-matagal ang pagbuga ng abo mula 4:05 p.m. hanggang 6:02 p.m., kung saan umabot sa 900 metro ang taas ng ash plume mula sa tuktok ng bulkan.

Maaaring naapektuhan ng manipis na abo ang mga komunidad sa La Carlota at Bago City at Murcia, Negros Occidental, ayon kay Phivolcs.

Mayroon ding dalawang mahihinang ash emissions mula sa summit crater ng Kanlaon noong umaga ng Lunes, na naglabas ng abo na umabot sa 300 metro bago kumalat patungong hilagang-kanluran.

Ayon kay Dr. Merijene Ortizo, pinuno ng Disaster Risk Reduction and Management Office ng Bago City, iniulat ang pagbagsak ng abo sa Pataan, Barangay Mailum at Purok Manokan, Barangay Ilijan sa Bago City noong umaga.

Patuloy pa rin ang Alert Level 2 sa Kanlaon Volcano, kaya’t nanawagan ang Phivolcs at NDRRMC sa publiko na mag-ingat at iwasan ang mga lugar na apektado ng ashfall. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here