Home NATIONWIDE Kanselasyon ng permit, ibinabala ng DA sa makupad na onion importers

Kanselasyon ng permit, ibinabala ng DA sa makupad na onion importers

249
0
AABOT sa P10 milyon halaga ng mga frozen meats at sibuyas na galing sa China ang sinalakay ng National Bureau of Investigation sa isang bodega sa Quirino Ext. Paco, Manila. CRISMON HERAMIS

MANILA, Philippines – Inatasan ng Department of Agriculture (DA) ang mga importer ng sibuyas na ipaliwanag ang mabagal na pagdating ng red onions kumpara sa yellow onions bago ang peak holiday season.

Umabot na sa ₱320 kada kilo ang presyo ng imported medium red onions sa Metro Manila, at ₱330 naman para sa lokal, bagama’t ₱60 lamang ang landed cost mula sa China.

“Gusto naming malaman ang status ng mga import permits – kung balak ba nilang gamitin ito,” ani Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.

Dagdag niya, maaaring i-reassign ng Bureau of Plant Industry ang mga permit sa ibang importers, kabilang ang Food Terminal, Inc., kung hindi kikilos ang kasalukuyang importers.

“If not, we will cancel the permits and award them to other importers to ensure sufficient domestic supply, especially at this time of year.”

Noong nakaraang buwan, nagbigay ang DA ng permits para sa 69,040 metric tons ng red onions at 42,261 MT ng yellow onions.

Hanggang Nob. 20, 12,824 MT lamang ng red onions ang dumating, mas mababa kaysa sa 21,145 MT ng yellow onions mula Agosto hanggang Nobyembre.

Ang buwanang pangangailangan ay 17,000 MT para sa red onions at 4,000 MT para sa yellow onions. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here