Home NATIONWIDE Sen. Bato aabsent sa DND, PDEA budget deliberation

Sen. Bato aabsent sa DND, PDEA budget deliberation

272
0

MANILA, Philippines – Wala pa ring paramdam si Senator Ronald “Bato” dela Rosa habang papalapit sa pagtatapos ang interpellation ng 2026 national budget.

Ayon kay Senator Sherwin Gatchalian, ipinaalam ng staff ni Dela Rosa na hindi ito darating para ipagtanggol ang badyet ng Department of National Defense (DND) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

“Hindi siya makakapunta bukas at i-defend yung budget ng DND at PDEA… So I’ll sit in tomorrow to defend the budget of the DND,” ayon kay Gatchalian.

Dagdag niya, bilang chairman ng Finance Committee, maaari niyang akuin ang trabaho at walang parusa sa pagliban ni Dela Rosa.

Hindi umano nagbigay ng dahilan ang senador. Simula nang ianunsyo ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na mayroon nang arrest warrant mula sa International Criminal Court laban kay Dela Rosa, hindi na ito nagpakita sa publiko.

Sinabi ni Gatchalian na dumalo siya sa lahat ng budget hearings kaya pamilyar siya sa mga detalye ng badyet.

Nang tanungin kung puwedeng online ang sponsorship, tugon niya: “Hindi natin pinapayagan yun. Yun ang one policy na hindi natin pinapayagan.” RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here