Home NATIONWIDE Kapangyarihan ng mga judge sa pagrebyu ng findings ng DOJ sa criminal...

Kapangyarihan ng mga judge sa pagrebyu ng findings ng DOJ sa criminal cases tatapyasin ng SC

MANILA, Philippines – Tatangalin ng Korte Suprema ang kapangyarihan ng mga hukom na isalang pa sa Preliminary Investigation kung may sapat na batayan ang isinasampa ng DOJ sa husgado.

Nakatakdang amyendahan ng Korte Suprema ang Rule 112 ng Rules of Court patungkol sa pagri-review ng mga kasong isinasampa ng Department of Justice sa korte.

Tinukoy ni Justice Undersecretary Raul Vazquez ang pagsasagawa ng preliminary investigation ng mga hukom patungkol sa findings ng DOJ kung nay sapat na batayan na nagawa ng isang suspek ang krimen.

Sa pagtanggal aniya ng preliminary investigation ng hukom, diretso na sa paglilitis ang kaso matapos ihain ng DOJ ang information lalo na at maaalis na rin ang motion for judicial determination of probable cause.

Niliwanag ni Vazquez na ang pagsampa at hindi pagsampa ng kaso ay katungkulan na eklusibo at nakalaan na lamang sa Department of Justice.

Alinsunod sa rule, ang mga hukom sa municipal trial courts at municipal circuit trial courts ay kabilang din sa may kapangyarihan na magsagawa ng preliminary investigation. Teresa Tavares

Previous articleP44.7M tax evasion case laban sa pork barrel queen, ibinasura ng CTA
Next articlePagkakaloob ng medical parole ng DOJ, pinag-aaralan na