Home NATIONWIDE P44.7M tax evasion case laban sa pork barrel queen, ibinasura ng CTA

P44.7M tax evasion case laban sa pork barrel queen, ibinasura ng CTA

MANILA, Philippines – Inabswelto ng Court of Tax Appeals (CTA) ang negosyantreng si Janet Lim-Napoles kaugnay sa ₱44.7 million tax evasion case.

Sa 84 na pahinang desisyon ng CTA Second division, dinismiss ang 12 kaso laban kay Napoles na inakusahang lumabag sa National Revenue Code of 1997.

Nakasaad sa desisyon na pinonente ni Associate Justice Corazon Ferrer-Flores, nabigo ang prosekusyon na patunayan na “guilty beyond reasonable doubt” si Napoles.

Una nang inakusahan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) si Napoles at asawa nitong si Jaime na nag-underdeclare ng kanilang kinita mula 2004 hanggang 2009. Ayon sa BIR hindi rin naghain ng Income Tax Returns si Napoles mula 2010 hsnggang 2012 at hindi na nagbayad ng tamang buwis sa mga sumunod na taon. Teresa Tavares

Previous article400 NPA nalagas sa 1st Quarter ng 2024 – NTF-ELCAC
Next articleKapangyarihan ng mga judge sa pagrebyu ng findings ng DOJ sa criminal cases tatapyasin ng SC