MANILA, Philippines- Nanumpa na bilang bagong miyembro ng Team Aksyon Manila sa partidong Aksyon Demokratiko (Aksyon) ang kapatid at nagsisilbing Chief of Staff ni Manila Vice Mayor John Marvin “Yul Servo” Nieto na si Manila 3rd District Councilor Apple Nieto.
Pinangunahan ni Aksyon President at dating Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang oathtaking na sinaksihan naman ni Aksyon Chairperson Ernest Ramel, Jr. at ang dating broadcaster at aktres na si Chi Atienza, anak ni dating Manila Mayor Lito Atienza na sinasabing tatakbo bilang vice-mayor sa Maynila.
Tatakbo si Councilor Nieto bilang kongresista ng ikatlong distrito ng lungsod laban kay incumbent 3rd District Congressman Joel Chua ng Lakas. Kasama na ngayon ang konsehala sa lineup ng “Yorme’s Choice” sa Aksyon Manila.
Ang kapatid naman ni Councilor Nieto na si Si Vice Mayor Yul Servo ay tatakbo bilang katambal ni Mayor Honey Lacuna sa darating na 2025 election.
Makakasama ni Nieto sa District 3 sa pagka-Konsehal sina dating PBA player Bong “Mr. Excitement” Alvarez, Coun. Tol Zarcal, Chris Tagle, Actress Mocha Uson, at Johnny “Rollin J” dela Cruz. JAY Reyes