Home METRO Kapitan ng nasunog na barko sa Coron, nagpakita na

Kapitan ng nasunog na barko sa Coron, nagpakita na

1
0

PALAWAN, Philippines – Lumutang na ang kapitan ng MV June Aster, ang RORO vessel na nasunog sa karagatang sakop ng Coron, Palawan.

Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na kusang humarap si Captain Roel Sarmiento sa opisina ng Atienza Interisland Ferries Inc. sa Palawan nitong Setyembre 14, limang araw matapos ang trahedya.

Kasama ni Sarmiento si Dindo Macalinao, HR General ng Atienza Interisland Ferries Inc., nang humarap siya sa Emergency Operations Center.

Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Noemie Cayabyab, kukunan ng impormasyon si Sarmiento kaugnay ng insidente, kabilang ang kanyang kinaroroonan matapos ang sunog at mga nangyari bago siya muling lumitaw.

Sa pinakahuling datos, 44 ang survivors kabilang si Sarmiento, 76 ang nasawi at 12 pa ang nawawala.

Nasa 134 ang nasa ticket manifest, ngunit dalawa rito ang nagsabing hindi sila sumakay sa barko. Dahil dito, 132 ang naitalang aktuwal na sakay ng MV June Aster. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here