Home IN PHOTOS Karapatan ng kababaihan isinusulong sa 116th anniversary ng Int’l Women’s Day

Karapatan ng kababaihan isinusulong sa 116th anniversary ng Int’l Women’s Day

Sa pangunguna ng Oriang Women’s Movement, nagsagawa ng kilos-protesta ang mga progresibong grupo sa kabisera ng bansa upang bigyang-diin ang kalagayan ng kababaihan sa gitna ng krisis pang-ekonomiya, patuloy na pandarambong sa kaban ng bayan, at sistematikong katiwaliang pinalala ng krisis sa klima, hindi pantay na kita, at kawalan ng pananagutan ng mga makapangyarihan.

Ginanap ang pagtitipon sa isang restawran sa Quezon City noong Marso 5, 2025.

Nakatakdang ipagpatuloy ng mga grupo ang kanilang kilos-protesta sa Mendiola, Maynila, sa Marso 8, na nananawagan ng pananagutan mula sa pamahalaan at agarang aksyon sa mga isyung ito. Danny Querubin