MANILA, Philippines – INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang P700-million funding para sa pagtatayo ng child development centers (CDCs) sa 4th at 5th class municipalities.
“Gawin na natin ito. I am thinking the daycare centers can also be CDCs. Ganoon na rin ‘yun eh. You have the same kind of training for the people. The kids are there,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isinagawang sectoral meeting sa Palasyo ng Malakanyang kasama ang Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2) at iba pang kinauukulang ahensiya ng pamahalaan.
Ang EDCOM 2, isang national commission ay may atas na magsagawa ng isang komprehensibong national assessment at pagsusuri sa pagganap ng education sector, hiniling sa Pangulo na maglaan ng P700 million sa susunod na tatlong taon para mabigyan ang mga low-income barangay ng access para sa ‘early childhood development initiatives.’
Nangako naman ang Department of Budget and Management (DBM) na popondohan ang pagtatayo ng CDCs para ngayong taon.
“The P700 million, which will be coursed through the Local Government Support Fund (LGSF), will finance the development of CDCs for every municipality,” ayon kay Education Secretary Juan Edgardo Angara sa naturang miting.
Ayon sa EDCOM 2’s Year Two Report, tinatayang 5,800 barangay ang nananatiling walang CDCs sa kabila ng 1990 law kung saan nire-require ang bawat barangay na magkaroon ng kahit man lang isang CDCs. May 229 mula sa nasabing bilang ang kasama sa low-income LGUs.
Sa naturang pulong, binanggit pa rin na ang EDCOM 2 ay makikipagtulungan sa Commission on Higher Education, Department of the Interior and Local Government, at Early Childhood Care and Development Council para itaas ang bilang ng early childhood education graduates sa mga rehiyon na natukoy na kulang.
Ito ay nakahanay sa panawagan ng EDCOM 2 na “fix the foundations” ng education system sa pamamagitan ng early childhood education, nutrisyon, at early-grade numeracy at literacy.
“By fixing the foundations – nutrition, early childhood education, literacy and numeracy by Grade 3- we will ensure that our reforms are strategic, targeted, and enduring,” ang sinabi ni EDCOM 2 Executive Director Dr. Karol Mark Yee.
Samantala, binigyang diin naman ni Pangulong Marcos ang kahalagahan na tugunan ang mga hamon ng situwasyon.
“We’ve been talking about economic development, we’ve been talking about inflation, agriculture, et cetera. It’s time to shift focus to education. That’s our only hope for the future,” aniya pa rin.
Pinasalamatan naman ni Yee si Pangulong Marcos at ang DBM para sa mabilis na aksyon ukol sa ‘funding request.’ Kris Jose