Home NATIONWIDE Zelenskiy nagsisisi sa sagutan nila ni US Pres. Trump

Zelenskiy nagsisisi sa sagutan nila ni US Pres. Trump

KYIV — Ipinahayag ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskiy ang panghihinayang sa naging sagutan nila ni dating US President Donald Trump sa Oval Office at nagpahayag ng kagustuhang ayusin ang sitwasyon, isang araw matapos itigil ni Trump ang military aid sa Ukraine.

Bukas si Zelenskiy sa peace negotiations at handang pumirma ng kasunduan na magbibigay sa US ng access sa minerals ng Ukraine.

“We value how much America has done to help Ukraine maintain its sovereignty and independence,” aniya sa X (dating Twitter).

Binigyang-diin din niya ang posibilidad ng kasunduan sa kapayapaan na magsisimula sa pagpapalaya ng mga bihag at paghinto ng pag-atake—kung gagawin din ito ng Russia.

Samantala, nagdulot ng pagkabahala ang desisyon ni Trump na itigil ang military aid, na itinuturing na pagtalikod sa matagal nang polisiya ng US na suportahan ang Europa laban sa Russia.

Habang pinapalakas ng Kyiv ang lokal na produksyon ng armas, nananawagan si Zelenskiy ng patuloy na suporta mula sa US at European Union upang mapanatili ang depensa ng Ukraine. RNT