Home NATIONWIDE Karapatan sa S. China Sea dedepensahan ng Tsina – FM

Karapatan sa S. China Sea dedepensahan ng Tsina – FM

WASHINGTON- Ipagtatanggol ng Beijing ang karapatan nito sa South China Sea, ayon sa foreign minister ng bansa nitong Huwebes, kasunod ng kamakailang sagupaan sa pagitan ng Chinese at Philippine ships sa pinagtatalunang teritoryo.

Inaangkin ng China ang malaking bahagi ng South China Sea at patuloy ang paggiit sa karapatan dito sa kabila ng competing claims mula sa Southeast Asian nations at sa international arbitration ruling na wala itong legal na basehan.

Umigting ang tensyon sa pagitan ng Beijing at ng Pilipinas sa mga nakalipas na buwan sa pagsasalpukan ng mga abrko ng parehong bansa malapit sa pinag-aagawang reefs, kung saan naganap ang pinakabagong insidente nitong linggo.

“We will legitimately defend our rights in accordance with the law,” pahayag ni Beijing’s foreign minister Wang Yi sa isang press conference nitong Huwebes sa annual meeting ng Chinese lawmakers na kilala bilang Two Sessions.

“On maritime disputes, China has always maintained a high degree of restraint,” ani Wang sa briefing sa Beijing.

“But of course, we do not allow our goodwill to be abused, and we do not accept the distortion or deliberate infringement of maritime laws,” dagdag niya.

Nitong Martes, ipinatawag ng Pilipinas ang Chinese representative matapos nitong sabihin na nagpasimuno ang China Coast Guard vessels ng dalawang kolisyon sa Philippine boats at nagbomba ng water cannon sa isa sa mga ito sa resupply mission sa South China Sea.

Anang Beijing, nagsagawa ito ng “control measures” laban sa “illegal intrusion” ng Philippine ship sa sovereign waters nito, at inakusahan ang Philippine vessel ng umano’y sadyang pagbangga sa isang barko ng China.

Nitong Miyerkules, inakusahan ng China’s foreign ministry ang United States ng paggamit sa Manila bilang “pawn” upang magpasimuno ng regional tensions matapos tawagin ng Washington ang aksyon ng Beijing na “provocative”.

Hindi binanggit ni Wang ang United States nitong Huwebes, subalit hinikayat ang “certain countries outside the region not to stir up trouble or pick sides, and not to become disruptors or troublemakers in the South China Sea”. RNT/SA

Previous articleDOT nakapagtala ng higit 1.2M int’l visitors sa Pinas sa unang 2 buwan ng 2024
Next articleNFA chief nanindigang walang iregularidad sa disposisyon ng rice stocks