Home ENTERTAINMENT Karla, kasado na sa pagtakbong mayor!

Karla, kasado na sa pagtakbong mayor!

Manila, Philippines – Noong nakaraang buwan lang (May) ay itinanggi ng TV host na si Karla Estrada na papalaot siya sa lokal na pulitika.

It appears though na nagbago ang ihip ng hangin.

As we speak today kasi ay nakalatag na raw ang political agenda ni Karla.

Balitang nais niyang sungkitin ang pagiging alkalde ng bayan ng Sta. Rita.

The said town in Samar lies next to Tacloban City in Leyte.

Lehitimo ring taga-Sta. Rita ang lola ng TV host.

Proof of Karla’s residency ay ang pagkakaroon niya ng bahay roon.

Balitang aanib si Karla sa kampo ni Partylist Representative Yedda Romualdez.

Matatandaang third nominee si Karla ng Tingog partylist pero hindi siya nakaupo sa Kongreso.

Sa halip ay in-assign siya ng partido sa social services and promotions office nito.

Dahil kilala si Karla puwera pa ang kasikatan ng kanyang anak na si Daniel Padilla’y makakatulong ito para makakuha siya ng boto sa 2025 mid-term elections.

Mula nang kumawala si Karla sa Magandang Buhay morning show sa ABS-CBN, iniwan na niya nang milya-milya ang mga dating hosts na sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros.

Will local politics be Karla’s next career route? Ronnie Carrasco III