Home NATIONWIDE Vatican foreign minister nagbabala vs pagpapahintulot sa pag-igting ng mga alitan

Vatican foreign minister nagbabala vs pagpapahintulot sa pag-igting ng mga alitan

MANILA, Philippines- Nagbabala ang bumibisitang Vatican foreign minister sa Pilipinas, araw ng Biyernes, sa aniya’y pagpapahintulot na tumaas ang “ongoing conflicts” at pagbubukas ng “floodgates” ng full-scale global war.

Sa naging mensahe ni Archbishop Paul R. Gallagher, Secretary for Relations with States of the Holy See, sa Foreign Service Institute (FSI) ng DFA bilang bahagi ng kanyang five-day official visit sa Manila, ibinagi nito ang posisyon ni Pope Francis at ng Vatican sa iba’t ibang mahahalagang usapin na kinahaharap ng mundo ngayon, kabilang na rito ang Pilipinas. 

“One of these issues revolves around ongoing conflicts,” ayon kay Gallagher.

Hindi man idinetalye ang nasabing tunggalian, sinabi ni Gallagher na hindi dapat itong pataasin o paigtingin sa puntong “serious instability,” na maaaring mauwi sa mga kaganapan tulad ng World War I, World War II, at Cold War.

Binigyang-diin ang alalahanin ng Holy See, tinukoy ni Gallagher ang ‘lack of trust’ sa ‘rule of law’ ng ilang bansa.

“”Today, there seems to be a lack of trust, particularly in international law and the institutions that uphold it, which have been cornerstones of global stability for decades; now they seem powerless against these new and complex challenges,” ani Gallagher.

Sa naging mensahe pa rin ng opisyal, nagpahayag sya ng alalahanin ukol sa human trafficking— isang napakatagal nang sakit ng lipunan na bumibiktima sa maraming Pilipino.

Upang alisin ang bantang ito, iginiit ni Gallagher ang pangangailangan na tugunan ang ugat ng kahiraparan at korapsyon sa loob ng mga institusyon at mga bansa.

“If we are going to effectively combat this toxic scourge, we must block its tributaries and address its root causes such as extreme poverty, government corruption, injustice, and economic exclusion,” pahayag n Gallagher.

Binanggit ang sentimyento ni Pope Francis, sinabi ni Gallagher na hangad ng Holy See na pangalagaan ang religious freedom para sa lahat ng indibidwal sa buong mundo, dahil “it is a fundamental human right and a crucial avenue toward fostering unity and global peace.”

Sa kabilang dako, nakapulong naman ni Gallagher ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kung saan pinag-usapan ang iba’t ibang bagay na nakapaligid sa ‘Catholic faith sa Pilipinas.

Hindi naman malinaw kung ano ang naging paksa sa pulong ni Gallagher at ng CBCP subalit binanggit ni Gallagher na isa ang Absolute Divorce Bill sa naging paksa na sinadya niyang tanungin sa talakayan.

Samantala, nakapulong din ni Gallagher si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kung saan ipinaabot ng arsobispo ang pagbati mula kay Pope Francis sa Punong Ehekutibo at sa sambayanang Pilipino. Kris Jose