Home ENTERTAINMENT Karla, may patama kay Jellie Aw?

Karla, may patama kay Jellie Aw?

Manila, Philippines – Hinihinalang paraan ng umano’y paghihiganti ni Karla Estrada ang mga TikTok posts nito nang mga sumunod na araw.

Ganti raw ‘yon sa nobya ng dating nobyong si Jam Ignacio na si DJ Jellie Aw.

Kelan lang ay “bumida” si Jellie sa social media dahil sa itsura nitong bugbog-sarado dahil umano sa pisikal na pang-aabuso sa kanya ni Jam.

Si Jam ay naging kasintahan ni Karla sa loob ng limang taon until she got junked in favor of Jellie.

Pero nanatiling tahimik si Karla sa naging breakup nila.

Kelan lang din ay winarningan si Karla ni Jellie na huwag itong manggulo dahil nananahimik siya.

Shortly after dumanas ng pambubugbog si Jellie sa mga kamay ni Jam ay inabangan ng mga netizens ang mga ipopost ni Karla.

Wala mang direktang reference ang mga ito’y wari’y patama ang mga ‘yon kay Jellie.

Isa rito ang post ni Karla na: “You lose, I win!”

May video pa siyang nagpapa-facial sa saliw ng awiting Do You Miss Me.

Meron ding nagpapaganda si Karla habang nagli-lip sync ng awiting Wala Na Bang Pag-ibig.

Masasabing disimulado kung rumesbak si Karla, na kinaaliwan naman ng mga netizens.

May kasabihan ngang: “He who laughs last laughs best!”

And loudest. Ronnie Carrasco III