Home METRO Kasintahan umamin sa pagpaslang sa 16-anyos sa Tanauan

Kasintahan umamin sa pagpaslang sa 16-anyos sa Tanauan

MANILA, Philippines- Natagpuang patay ang isang 16-taong gulang ba babae sa isang banteng lote sa Tanauan City, Batangas.

Ayon sa ulat, huling nakita ang biktima ng kanyang pamilya nang umalis ito upang kitain ang isang indibidwal sa Tanauan City.

Hindi na siya nakabalik.

Tumulong ang 21-anyos niyang kasintahan sa paghahanap sa kanya subalit kalaunan ay umamin ito sa krimen.

Nagtamo ang biktima ng saksak sa leeg at natagpuang walang underwear.

Base sa suspek, nagawa niya ang krimen dahil nais makipaghiwalay sa kanyang ng biktima.

Kakasuhan ang suspek ng murder. RNT/SA