Home NATIONWIDE Populasyon ng aso, pusang ‘gala’ pinakokontrol sa Senado

Populasyon ng aso, pusang ‘gala’ pinakokontrol sa Senado

MANILA, Philippines- Nais ni Senador Cynthia Villar na makontrol ang populasyon ng aso at pusa partikular sa mahihirap na lugar na nagbabanta sa kalusugan ng mamamayan, sa ginanap na pagdinig hinggil sa ilang panukala sa kagalingan ng hayop.

“Alam niyo, ang problema natin, marami tayong mahihirap and then nangangak nang marami yung kanilang alagang dogs and cats,” anang senador.

Aniya, kanyang natuklasan na umaabot sa 12 kuting ang ipinapanganak ng bawat pusa kada taon at apat na tuta naman sa aso.

“So, kapag mahirap at nanganak yung cat nila ng 12 at yung dog nila ng 4, ano naman papakain nila doon? So they become stray dogs and they’re all around,” dagdag ni Villar.

Sinabi ni Villar na tumataas ang banta ng sakit tulad ng rabies, leptospirosis at parasites, kapag dumadami ang galang hayop.

“Dapat, para ring mga tao, we do population control, especially for the poor kasi they won’t have the money to feed the dogs and cats borne out of their dogs and cats,” giit niya.

Binigyan-diin ni Villar na dapat magsagawa ang local government units ng mas maraming pagkapon upang mabawasan ang gumagalang hayop sa lansangan.

“Almost all stray dogs and cats are left to fend for themselves, often succumbing to hunger, disease, or accidents,” pahayag ni Villar.

Ipinaliwanag niya na kahit nagtayo ng rescue at stray animal shelter ang ilang LGUs, pero sanhi ng limitadong pondo, nagkaroon ng krisis sa hayop na walang matirhan hanggang magkaroon ng hindi mabilang na pinapatay na aso at pusa gamit ang gamot.

Sinabi naman ni Senador Grace Poe na malaking problema ang idinudulot ng dumaraming hayop na gala dahil sa poor health sanhi ng walang nag-aalaga.

“According to the Mars Petcare Pet Homelessness Project report, there are a total of 13.11 million stray cats and dogs in the Philippines today,” ayon kay Poe.

“Because strays lack proper care or vaccinations, rabies is most common in countries where stray dogs are present in large numbers,” patuloy niya.

“The Philippines is, in fact, ranked 6th among countries with the highest rabies incidence in the world.” Ernie Reyes