Home METRO P2.4M marijuana binunot sa San Carlos City

P2.4M marijuana binunot sa San Carlos City

SAN CARLOS CITY- Umabot sa 132 pananim na marijuana ang binunot ng mga awtoridad makaraang madiskubre sa isinagawang operasyon noong Martes sa lungsod na ito.

Ayon kay Police Lt. Col. Nazer Canja, hepe ng San Carlos police station, nagsagawa sila ng operasyon sa Purok Mangium, Sitio Bedio, Barangay Codcod, San Carlos City, Negros Occidental.

Nadiskubre ng mga awtoridad sa nasabing lugar ang 20 kilo na pananim ng marijuana at aabot sa halagang P2.4 milyon.

Hindi naman nagawang makatakas ng dalawang suspek na hindi pinangalanan, 28 at 38 ng edad at sinasabing mga cultivator.

Narekober din sa 28-anyos na suspek ang .45 caliber pistol, magazine, at tatlong bala.

Nakakulong ngayon sa lock-up facility ng San Carlos City PNP ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa illegal drugs at possession of firearm and ammunition. Mary Anne Sapico