Home NATIONWIDE Kaso ng Arcturus nadagdagan pa

Kaso ng Arcturus nadagdagan pa

MANILA, Philippines – Nasa 16 pang bagong kaso ng Omicron subvariant na XBB.1.16 ang natukoy sa bansa na tumaas sa bilang nito sa 44, ayon sa Department of Health.

Mula sa Western Visayas ang 16 local cases ng “Arcturus” batay sa pinakahuling ulat ng COVID-19 biosurveillance ng DOH.

Ang XBB.1.16 ay isang descendant lineage ng XBB, isang recombinant ng dalawang BA.2 descendant lineage.

Nauna nang sinabi ng DOH na ang strain ay may kakayahang umiwas sa immunity at lumilitaw na mas nakakahawa kaysa sa mga naunang variant.

Nauna na ring kinumpirma ng DOH na mayroon nang local transmission ng XBB.1.16 dahil may pagtaas ng bilang ng kaso ng naturang variant na walang linkages sa international cases o walang history ng exposure.

May natuklasan ding 118 bagong kaso ng Omicron subvariants.

Sa bilang, 84 ang inuri bilang XBB, kabilang ang 15 XBB.1.5 cases, 47 XBB.1.9.1 cases, 10 XBB.1.9.2 cases at 7 XBB.2.3 cases; 33 bilang BA.2.3.20, at 1 kaso bilang iba pang mga sublineage ng omicron.

Ito ang mga resulta ng pinakabagong sequencing run na isinagawa ng Unibersidad ng Pilipinas – Philippine Genome Center Visayas noong Mayo 22.

“All recently detected subvariants were local cases from Region 6.”

“Please note that results above must be interpreted with caution, since this is primarily affected by sampling biases and other factors such as logistical issues encountered,” ayon pa sa DOH.

Nitong Hunyo 1, ang bansa ay may 15,418 aktibong kaso ng COVID-19, ayon sa COVID-19 Tracker ng DOH.

Sa humigit-kumulang 4.1 milyong impeksyon na naitala mula noong simula ng pandemya, 66,466 ang humantong sa kamatayan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous article‘Ilapit ang serbisyo ng gobyerno sa tao’ — Bong Go
Next articleMga suspek sa Degamo slay, inalok ng tig-P8M para bumaligtad – Remulla

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here