MANILA, Philippines – Bahagyang bumaba ang kaso ng dengue sa bansa kahit inaasahan ng Department of Health (DOH) na tataas pa ang mga impeksyon sa ikalawang bahagi ng taon, kasabay ng pagbubukas ng klase at pagdating ng tag-ulan.
Mula Enero hanggang sa kasalukuyan, halos 124,000 kaso ng dengue ang naitala, kung saan mahigit 27,000 ay mula sa mga batang edad lima hanggang siyam na taon.
Bagama’t nananatiling kontrolado ang sitwasyon, iniulat ng DOH na tumaas ng anim na porsyento ang kaso mula Mayo 11–24 (6,720 cases) kumpara sa Abril 27–Mayo 10 (6,192 cases).
Sa kabila nito, nananatiling mababa ang bilang ng namamatay sa sakit na 0.4% o apat sa bawat 1,000 pasyente. RNT/JGC