Home NATIONWIDE Kaso ng dengue sa Western Visayas tumaas sa mahigit 1,800

Kaso ng dengue sa Western Visayas tumaas sa mahigit 1,800

MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Western Visayas ng mahigit 1,800 kaso ng dengue ngayong taon ayon sa Department of Health Western Visayan Center for Health Development-Dengue and Malaria Program.

Kabuuang 1,830 dengue cases ang naitala sa rehiyon mula Enero 1 hanggang Marso 23.

Sinabi ng DOH na ito ay 5 porsyentong mataas kumpara sa 1,742 kaso naitala sa parehong panahon noong nakaraang taon.

“There is an Increased Attack Rate of Dengue (2023 vs. 2024) in the Provinces of Aklan, Antique, Capiz, Iloilo, Guimaras, and Iloilo City.”

“Twenty-six barangays in Western Visayas have clustering of dengue cases,” ayon sa DOH.

Mula Marso 17 hanggang 23, naiulat ang 229 na bagong kaso ng dengue na karamihan ay naitala sa Iloilo na may 78, 36 naman sa Negros Occidental at Capiz na may 3.

Wala namang naitala na bagong nasawi dahl sa dengue dahil nanatili sa tatlo ang bilang ng nasawi noong Marso 23 ayon pa sa DOH.

Noong Marso 1, sinabi ng DOH na bumaba ang bilang ng mga kaso ng dengue sa buong bansa.

Sa datos ng DOH noong Pebrero 23, naitala ang 5,267 na kaso ng dengue mula Enero 28 hanggang Pebrero 10, ma smababa sa 7,434 kaso na naitala mula Enero 14 hanggang Enero 27. Jocelyn Tabangcura-Domenden